Lumaktaw patungo sa pangunahing nilalaman

Pagsisimula

Mga Mahalagang Paalala#

Mahalagang alalahanin na ang angkop na lokasyon para sa sistemang SNAP Hydroponics ang isa sa pinakamalahagang páktor na kailangang isaálang-álang kapag nagpapalaki ng halaman gamit ang SNAP Hydroponics.

Ang angkop na lokasyon para sa SNAP Hydroponics setup ay mayroon ng mga sumusunod na katangian:

  • nakakatangap ng sapat na sikat ng araw at/o artipisyal na ilaw

  • protektado sa ulan

Mga Halimbawa:

  • saradong greenhouse sa maaraw na lokasyon (pinakaangkop)

  • lugar na may bubong na silag at nasa maaraw na lokasyon (angkop)

  • lokasyong nakaharap sa silangan na nakatatanggap ng sikat ng araw sa kaumagahan na natatakpan awning (katanggap-tanggap)

Angkop na lugar para sa SNAP Hydroponics growing.

Ang sikat ng araw ay kailangan upang lumaki ang mga halaman. Ang direktang sikat ng araw sa simula ng umaga hanggang bago magtanghaling tapat ang pinakaangkop.

Mahalaga ang proteksiyon sa ulan dahil ang matagupmay na hydroponic grow ay nangangailangan ng stable na nutrient solution. Ang pagtagas ng tubig ulan sa nutrient solution ay makapagpapatabang nito o di kaya’y papalitan ito.

Para sa mga tunay na baguhan, mariing minumungkahi na magsimula sa letsugas. Lumalaki ng maayos ang letsugas sa SNAP Hydroponics. Mahal ang bentahan nito. At relatíbong mas iilan ang naakit nitong peste.

Bumili ng Lehitimong SNAP Nutrients#

Ang SNAP nutrients ay nakaakit ng ilang imitasyon na nagpapakilala bilang “SNAP nutrients.” Bagama’t ang mga ito ay lehitimong hydroponic nutrients na ibinatay sa Hoagland’s solution walang high buffering capacity ang mga ito ‘di tulad ng SNAP. Ang ilan sa mga gumagamit ng mga ito ay napapaniwalang ang mga ito ay gaya ng SNAP na “gumagana na lang” nang walang kailangang pag-monitor o pag-adjust ng pH na nagiging sanhi ng ‘di magandang resulta.

tip

Bumili lamang ng SNAP nutrients mula sa mga SNAP Authorized Reseller upang makatiyak na ikaw ay bumibili ng totoong SNAP Nutrient Solution for Hydroponics.